
Eleven years nang walang patid ang pagpapatawa ng paborito nating pamilya ni Pepito Manaloto (Michael V.).
Pero sabi nga nila, "All good things must come to an end."
Oh, teka!
Bago kayo magmukmok sa paparating na season break ng award-winning Pepito Manaloto: Kuwento Kuwento, samahan muna sina Pitoy at Elsa (Manilyn Reynes) sa espesyal na episode ngayong Sabado, May 29.
Dahil minsan kailangan ng ending para may new beginning!
Tawagin ang buong pamilya at tutukan ang Pepito Manaloto: Kuwento Kuwento bukas pagkatapos ng 24 Oras Weekend at abangan ang big announcement ng Manaloto family.
Panoorin ang paunang silip sa intriguing yet funny episode ng flagship sitcom ng GMA Network dito .
Related content:
Michael V., nilinaw ang mangyayari sa 'Pepito Manaloto' after May 29