
Watch out, mga Kapuso sa kabag sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Kuwento Pa More ngayong Sabado ng gabi!
Mukhang wala sa timing ang pag-aaya ng bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa kaniyang mga empleyado na mag-company outing.
Isa-isa kasi nag-back out ang mga ito, dahil sa personal nilang problema.
Nang mag-aya naman si Pitoy ng lunch out, hindi pa rin puwede ang kaniyang mga tao sa PM Mineral Water.
Makapag-bond pa kaya ang bida natin with his employees?
Samantala, mapapa-throwback naman si Pepito nang malaman na nahihilig sa pagko-kolekta ng relos ang anak na si Chito (Jake Vargas).
Maaalala tuloy niya na minsang rumaket bilang watchmaker ang ama niya na si Mang Benny (Archie Alemania) noon.
Paano kaya hinandle ni Benny ang dami ng customers na gusto magpagawa sa kaniya ng relo at ang trabaho niya sa barangay?
Perfect timing ang panonood ng Pepito Manaloto: Kuwento Pa More with the whole family this June 4, after ng 24 Oras Weekend.
At kung excited na kayo sa nalalapit na Book 3 ng Pepito Manaloto, ugaling bisitahin ang GMANetwork.com for more updates about this exciting chapter ng award-winning Kapuso sitcom!