
Madidiskubre ni Pepito (Michael V.) na ang relasyon ng aktor na si Xander (Gil Cuerva) at Mia (Lexi Gonzales), na magiging inaanaka sana niya sa kasal, ay bunga ng isang arranged marriage!
Sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento noong Sabado, July 8, malalaman ng mag-asawang Manaloto ang sitwasyon nina Xander at Mia na 'tila may agam-agam sa nalalapit nilang kasal.
Nang personal na makausap nina Pitoy at Elsa si Xander, sasabihin nila na base sa kanilang experience malaking bagay na dapat kakilala ng dalawang tao ang isa't isa bago nila maisipan na magpakasal.
Kaya sa mismong Ting Hun event, biglang inanunsyo ng sikat na aktor na hindi matutuloy ang kasal nila ni Mia!
Ano ang magiging reaksyon ni Mr. Lim (Richard Yap) sa desisyon ng anak?
May kinalaman kaya ang mag-asawang Manaloto sa nakakagulat na nangyari kina Xander at Mia?
Balikan ang mga moments na tinutukan sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento noong Sabado rito:
Xander at Mia, ang future mag-asawa na hindi magkakilala?!
Fast Talk with Ma'am Elsa
Pepito, may inaanak na artista!
Nanay mong hindi makatiis sa chismis be like:
Patrick, isa kang fake news!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Balik-balikan ang nakaraang episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom sa GMANetwork.com.