
Hindi maganda maging bitter, pero kapag kambing na ang usapan, the more bitter, the better.
Ang panindang pagkain ng pamilya ni Laurence ay hindi na raw umaabot ng tanghalian kasi sa umaga pa lang ubos na.
Para sa mga hindi sanay sa ulam na kambing, may trivia si Pera Paraan host Susan Enriquez, "Alam niyo ba na ang kambing ang isa sa pinakamalinis na uri ng hayop?"
Selective feeders na hayop ang mga kambing, kaya piling-pili lamang nila ang mga kinakain nito.
Ayon kay Laurence Marquez, co-owner ng Kambingan ni Herman, may simpleng tip siya para maging malinamam ang mga putahe na kambing.
"Wag po nating sobrang lalaksan ang apoy kasi kapag sobrang lakas ng apoy."
"Iwasan po natin 'yung halo nangg halo, kasi madudurog lang 'yung karne."
Ang bawat matagumpay na negosyo raw, nagsisimula sa isang malungkot na hugot.
Kwento ni Laurence, hindi mawawala sa negosyo na minsan matumal, mababawasan ka ng customer, 'yung niluluto mo 'yung iba napapatapon, siyempe hindi mo na pwede ibenta kinabukasan.
"Hindi naman namin sinukuan, tiniis namin namin 'yung tumal sa halip na sukuan namin hanggang sa na-achieve namin 'yung target namin.
Kalaunan ay bumalik na rin ang sigla ng Kambingan ni Herman, na ngayon ay go-to place na para sa mga kambing recipes.
Ang naging inspirasyon ng Kambingan ni Herman, ay ang padre de pamilya nilang si Mang Herman, pumanaw noong 2020.
Ano-ano nga bang mga putahe ang patok na patok dito at paano ito umasenso? Alamin sa video sa itaas.
Adobong suka at lamang-loob silog, tampok sa 'Pera Paraan'
Kakaibang lumpiang shanghai at kakanin kumikita ng P50,000 kada linggo?