What's on TV

Performance ni Herlene Budol sa 'Magandang Dilag', pinuri ng mga manonood

By Jansen Ramos
Published October 5, 2023 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol in magandang dilag


Ayon kay Herlene Budol, mala-'fliptop' ang kanyang mahahabang dialogue sa big revelation ng karakter niyang si Greta sa 'Magandang Dilag.'

Nagngangalit sa galit si Herlene Budol para sa big scene niya sa episode ng GMA Afternoon Prime series niyang Magandang Dilag noong Miyerkules, October 4.

Sa nasabing episode, may big revelation ang karakter niyang si Greta V na naganap sa mismong kasal nila ni Jared, na ginagampanan ni Rob Gomez.

Nanggigigil si Greta V nang ibunyag niya sa harap ng Elite Squad at iba pang wedding guests na siya si Gigi Robles, ang babaeng inapi noon ng Elite Squad.

Ayon kay Herlene, mala-"fliptop" ang nasabing eksena dahil sa kanyang mahahabang dialogue.

Pinuri naman ng netizens ang performance ni Herlene sa pasabog na eksena sa Magandang Dilag.

"Grabe ung pasabog talagang di kame makaalis sa harap ng tv. Galing mo Herlene," sabi ng Facebook user na si KC Brown.

Deserving daw ng standing ovation ang acting ni Herlene.

"Grabe Herlene Hipon Budol 👏👏👏 standing ovation talga congratulations.time to shine." pahayag naman ng Facebook user na si Gina Daday.

Mukhang makatotohanan din ang sampal ni Herlene sa ka-eksena niyang si Rob.

Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa ibaba.

Dahil sa performance ni Herlene, wish ng ilang netizens na magkaroon ng teleserye muli si Herlene.

Mapapanood ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.