GMA Logo The Persian Pride, Arabian Knights, Family Feud
What's on TV

Persians vs. Arabs, maglalaban sa 'Family Feud'

Published February 17, 2024 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No winners of major lotto draws on Friday, June 5, 2026
Iloilo residents brace for rainy season
GMA Network CMO Lizelle Maralag Named to Campaign Asia-Pacific's APAC Power List 2026

Article Inside Page


Showbiz News

The Persian Pride, Arabian Knights, Family Feud


Abangan ang sagupaan sa hulaan ng Persians at Arabs sa 'Family Feud'!

Dalawang grupo ng contestants na may dugong dayuhan pero may pusong Pinoy ang maghaharap ngayong Lunes, Feb. 19 sa pinakamasayang family game show sa buong mundo, ang Family Feud.

Ang Persian Pride ay Middle Easterners ang mga magulang habang ang Arabian Knights naman ay mula sa bansang Sudan at Jordan.

Ang Persian Pride ay binubuo ng model at UST graduate na si Huri Maghazehi; ang kapatid niyang si Parsa na dentistry student sa UE; ang kaibigan nilang model at entrepreneur na si Sam Jehad, at ang Persian-Chinese na si Rocky Chan, isang medicine student.

Basketball fanatics naman mula sa bansang Sudan sa Africa ang bumubuo sa Arabian Knights. Sila ay sina Mazin Basheer, isang model, musician, at content creator; si TQ Abdalla na isang financial analyst; si Temo Osman na isang business owner, at ang kaibigan nilang Jordanian na si Jordan Silawi.

Magugulat kayo sa husay magsalita ng Tagalog ng mga miyembro ng dalawang teams.

Mahulaan kaya nila ang top answers ng isandaang Pinoy na kalahok sa survey?


Sa Season 1 ng Family Feud, nagkaroon na rin ng contestants na Brazilian models kabilang na sina Fabio Ide, at Daniel Matsunaga. Mayroon ding Japanese content creators, at Nigerian content creators sa pangunguna ni Tugue Zombie na napapanood na ngayon sa isang noon time show.

Sino sa tingin n'yo ang mananalo, ang Persians o ang Arabs?

Abangan ang mainit na salpukan ngayong Lunes, 5:40 PM bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide ding itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel at sa GMA Network Kapuso Livestream.