GMA Logo Pet Evacuation Center
Source: gmanews/ (YT)
What's Hot

Pet evacuation area, binuksan sa Brgy. Bagong Silangan para sa mga nasagip na alagang hayop

By Kristian Eric Javier
Published August 10, 2026 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspension for Tuesday, August 11, 2026
Suspects in killing of bao-bao driver, companion surrender in Lanao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Pet Evacuation Center


Safe ang ilang pets sa pet evacuation ng Quezon City sa kabila ng bagyo.

Ngayon na masama ang panahon at maraming lugar ang binabaha, maraming mamamayan ang kailangan lumikas mula sa kani-kanilang mga bahay. Ngunit sa paglikas na ito, may mga pagkakataon na hindi sinasadyang naiiwan ang pets o alagang hayop.

Buti na lang ay may mga magagandang loob na sumasagip sa kanila. Ngunit ang problemang kinakaharap ng mga rescuer ay kung saan nila dadalhin ang mga nasagip na pets.

Sa Quezon City ay nag-set-up ng pet evacuation center ang Veterinary Department ng siyudad para sa mga nasagip na alagang hayop. Sa report ng “Unang Balita” para sa Unang Hirit, layon nito magbigay ng pansamantalang matutuluyan ang mga na-rescue na pets.

Ayon sa Veterinary Department ng Quezon City, nasa mahigit 30 alaga na ang nasa pet evacuation center sa Barangay Bagong Silangan. Patuloy naman ang naturang evacuation center sa pag-monitor ng kalagayan ng mga alagang hayop, at pagtitiyak na ligtas sila.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA PROUD FUR PARENTS SA ASPIN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, matatandaan na ilang celebrities na rin ang nagpahatid ng mensahe tungkol sa pag-iwan ng pets tuwing may sakuna. Isa na nga rito ay si Carla Abellana na noong 2020 ay nagbigay ng paalala sa mga pet owner.

“IF YOU CAN'T EVACUATE WITH THEM, PLEASE UNCHAIN THEM. Please unchain your dogs and unlock their cages if you cannot evacuate with them during times of emergencies or disaster,” post ni Carla sa kaniyang Instagram account.

Noong 2022, nagpakita naman ng suporta si global fashion and style icon Heart Evangelista sa movement na “No Pets Left Behind” kung saan nagbahagi siya ng ng Instagram Story na nagpapakalat ng awareness sa pet owners.

Bilang isang certified fur mom, sinusuportahan ni Heart ang iba't ibang animal organizations. Sa katunayan, may mga stray animals na rin na inampon ang aktres, kabilang na ang pet aspin niya na si Panda.

Panoorin ang report sa Unang Hirit dito: