What's on TV

PhP 200,000 na kita kada araw sa milk tea business?

By Bianca Geli
Published February 16, 2021 7:07 PM PHT
Updated August 13, 2021 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Pera Paraan Milk tea


Paano kaya umaabot ng PhP 200,00 kada araw ang kita ng isang milk tea business? Alamin kasama si Susan Enriquez sa 'Pera Paraan.'

Kahit anong ihip ng panahon, hindi na mawala sa guilty pleasure ng mga Pinoy ang milk tea.

Isang milk tea chain sa Malabon ang naging paborito ng mga taga roon, umaabot ng PhP 150,000 hanggang 200,000 kada araw ang kita ng 24-anyos na negosyante na nag-umpisa lang sa puhunang PhP 2000!

Sa recent episode ng Pera Paraan, ang Gringo's coffee and milk tea, may mahigit 84,000 followers na sa Facebook. Isa sa mga binabalik-balikan ng mga customers ay ang mga affordable nilang frappes at milk tea drinks na kadalasan ay wala pang PhP 100!

Nasa PhP 45 hanggang PhP 119 ang kanilang mga drinks, at ang mga bestselling frappes at milk tea nila, nasa PhP 99 lang.

Kuwento ni Dominik Castillo, owner ng Gringo's, nag-umpisa lamang siya sa isang simpleng negosyo. "Naka-bote pa siya noon, dine-deliver ko lang sa mga katrabaho ko. Mahina. Sobrang hirap magpakilala sa market," saad niya.

Dagdag niya, "Minsan may bibili ng isa o dalawa, minsan pinamimigay ko na lang kaysa iuwi ko at masayang. Pero maraming times na nag-uuwi ako ng mga produkto na hindi nabibili."

Noong nag-umpisa ang pandemya, pinili ni Dominik na mag-resign sa trabaho niya sa BPO at mag-focus sa negosyo. Ang sweldo niya, ginamit niya pangpuhunan sa milk tea business niya. Naging pagsubok ang unang mga buwan ng Gringo's. May mga araw na barya na lamang ang natitira niyang kita dahil sa hina ng benta at dami ng kailangan bayaran.

Hanggang sa unti-unting lumago ang negosyo ni Dominik. Pati ang utang ng kaniyang ina na halos isang milyon ay nabayaran niya na dahil sa milk tea business.

Kuwento ni Dominik, "Lahat po 'yan, katas ng PhP2,250. Maski lahat po lahat ng makikita niyo rito, kahit papaano po nabilhan ko ng sariling motor 'yung kuya ko. Ako rin nakabili ng pang sa 'kin, nabayaran ko 'yung mga utang namin. Ngayon, ang sarap sa pakiramdam, ang sarap sabihin na, 'Nay, okay na."

Paano umasenso ang milk tea business na Gringo's? Alamin sa Pera Paraan: