
Hindi rin nagpahuli si Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang pagbibigay ng words of wisdom.
Nabanggit ni Pia sa report ni Iya Villania sa “Chika Minute” nitong Lunes (December 2) na proud ito sa achievement ni Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo.
Sabi ng beauty queen na happy ito para kay Chelsea dahil siya ang kauna-unahang itinanghal bilang Miss Universe Asia 2024.
Ibinigay raw ni Chelsea ang kanyang makakaya para i-represent ang bansa.
Sa tingin naman ni Pia, alam niya na hindi isasawalang-bahala ni Chelsea ang nakuha nitong opportunity.
Naikuwento rin ni Pia na na-meet niya na si Chelsea at nakita niya na sincere, sweet, at authentic ang fellow beauty queen.
"There are so many opportunities, and I would suggest that she makes the most out of it," sabi ni Pia.
Dagdag nito, "She's the first eh, so she'll kinda set the standard of what Miss Universe Asia is. She really has to make it her own."
Kamakailan lamang, binigyan na naman ng proud moment ni Chelsea ang bansa!
Nanalo ito ng Best National Costume Award sa Miss Universe 2024. Ang kanyang Hiraya costume ay ginawa ng isang Filipino designer na si Manny Halasan.
Tingnan ang ibang looks ni Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo rito: