What's Hot

Pia Wurtzbach may payo kay Rabiya Mateo para sa nalalapit na Miss Universe pageant

By Dianara Alegre
Published April 30, 2021 12:12 PM PHT
Updated April 30, 2021 8:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Pia Wurtzbach at Rabiya Mateo


Pinahiram umano si Rabiya Mateo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ng hikaw at aniya, “...para ko siyang agimat na dala-dala.”

Dahil ilang linggo na lang ay idaraos na ang coronation night ng 69th Miss Universe, hindi lamang ang pageant fans ang nagpapakita ng suporta kay Philippine-bet Rabiya Mateo dahil pati ang mga kapwa niya beauty queen ay tuluy-tuloy rin ang pagsuporta sa kanya.

Isa na sa mga beauty queen na nagpadala ng messages of support ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Rabiya Mateo at Pia Wurtzbach

Source: rabiyamateo (Instagram), Pia Wurtzbach (Instagram)

“Siguro this is an advice I got from Ms. Pia Wurtzbach. She told me, 'Dahil malapit na 'yung competition don't stalk your co-candidates. Dapat focus ka na lang. Stay on your lane, run like a horse with blinders. Ganon ka dapat because it's gonna add some pressure [on] you.

“Baka isipin mo you're not enough but this is your moment to shine and 'wag mo ita-try na ipasok 'yung sarili mo sa mold ng ibang beauty queens iba ka, iba sila. This is your time to show the universe who Rabiya is',” kuwento ni Ilongga beauty nang makapanayam ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.

Bukod dito, may pabaon din umano si Pia sa kanya nang lumipad na siya patungong America.

“Pinahiram ako ni Ms. Pia Wurtzbach ng hikaw so para ko siyang agimat na dala-dala,” aniya.

Samantala, nagpapasalamat naman si Rabiya sa kanyang mga masugid na tagahanga dahil siya ang nangunguna sa online votes, sa pag-asang makakuha siya ng spot sa Top 21.

Ang introduction video rin ni Rabiya na uploaded sa Miss Universe YouTube channel ang may pinakamaraming views.

Rabiya Mateo

Source: rabiyamateo (Instagram)

Samantala, all set na si Rabiya para sa coronation night sa May 16 kasunod ng kabi-kabila niyang preparasyon gaya ng personality workshops, hair and makeup sessions, at workout training.

Pero paano naman niya pinaghahandaan ang Q&A portion?

“There are moments na may nagpa-pop up lang na question in my mind and I would look in the mirror and I would try answer it in the most powerful way that I can,” lahad niya.

Dagdag pa niya, “These past few months I was able squeeze everything out of me. I trained really hard for my body, I spent time to read, to improve my communication skills, so now it's all about the game of destiny.”

Umaasa naman si Rabiya na sa pamamagitan ng mga suportang ipinakikita sa kanya ng mga Pilipino ay maiuuwi niya ang ikalimang Miss Universe crown sa Pilipinas.

“Kayo talaga 'yung source of energy ko kaya ko talaga ginagalingan dahil naniniwala kayo sa 'kin bilang isang tao at bilang isang beauty queen. Sana talaga maiuwi ko 'yung ikalimang korona para sa bayan. Iniaalay ko 'to para sa inyong lahat.”

Gaganapin ang 69th Miss Universe sa May 16, sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino in Hollywood, Florida.

Silipin ang Miss Universe journey ni Rabiya Mateo sa gallery na ito:

Related content:

Filipino stylist Em Millan confident about Rabiya Mateo in Miss Universe

Rabiya Mateo goes viral for 'Filipino resilience' comment