GMA Logo Pia Wurtzbach
What's Hot

Pia Wurtzbach, plano bang magpa-breast reduction?

By Cherry Sun
Published January 21, 2021 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Pia Wurtzbach


“There was a time when I was much younger na I was thinking about it…” Inamin ni Pia Wurtzbach na na-insecure siya noon dahil sa kanyang dibdib at naisip na sumailalim sa breast reduction. Ito pa rin ba ang plano ng beauty queen ngayon?

Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na minsan na niyang inisip magparetoke ng dibdib dahil sa kanyang insecurity. Ituloy kaya ng beauty queen ang kanyang plano noon?

Pia Wurtzbach

Nang sumali sa Miss Universe si Pia ay kasabay niyang sumikat ang mga katagang “confidently beautiful with a heart.” Pag-amin ng beauty queen, naniniwala siyang mas may kumpiyansa na siya sa sarili ngayon. Gayunpaman, hindi pa rin daw maiwasang magkaroon ng ilang insecurities.

Wika niya sa kanyang Instagram Stories, “Of course, it's true. That's normal. Everybody has insecurities. There are days na hindi tayo sure sa sarili natin, parang dina-doubt natin 'yung sarili natin, or parang hindi tayo confident. That's for everyone.”

Pag-alala ni Pia, pinagmumulan ng kanyang insecurities noon ang kanyang malaking dibdib.

Bahagi niya, “I mean honestly, siyempre noong bata pa ako, na-insecure talaga ako sa katawan ko, especially dito (dibdib) kasi siyempre inaasar ako sa school, ganyan, nahihiya ako. Pero as I got older, I learned how to be more confident.”

Dahil daw sa kanyang insecurity ay naisip niyang sumailalim sa breast reduction. Ngunit ngayon ay tanggap na niya ang kanyang pangangatawan.

Aniya, “There was a time when I was much younger na I was thinking about it but then hindi ko siya tinuloy kasi nalaman ko na malaki 'yung mga scar na maiiwan niya. So, buti na lang.”

Samantala, itinanggi ng beauty queen na hindi 23 inches o 24 inches ang kanyang baywang.

Pag-amin niya, “Hindi ko kaya 'yun. Wala, honestly, I'm nowhere near that.”

Ikinuwento rin ni Pia ang kanyang diet. Sa halip na umiwas daw siya sa ibang pagkain tulad ng carbs ay kumakain daw siya in moderation. Ayon pa sa kanya, mahilig din siya sa Pinoy food, “rice is life,” at nae-enjoy din niyang kumain ng naka-kamay.

Hindi man maselan o restricted sa kanyang pagkain, nalaman din ni Pia kamakailan na lactose intolerant siya kaya't iniiwasan niyang kumain ng ilang desserts at pati na ng keso.

Panoorin ang ilang highlights ng kanyang Instagram Stories sa video sa ibaba:

Sa parehong series ng Instagram Stories, pinabulaanan din ng beauty queen ang bali-balitang engaged na sila ng kanyang nobyong si Jeremy Jauncey.

Kasalukuyang nasa Morocco si Pia matapos ang kanilang bakasyon sa Maldives.

Doon daw muna siya manunuluyan dahil ayaw niya munang bumalik sa United Kingdom (UK) kung saan nagmula ang bagong variant ng coronavirus. Matatandaang bago sila magbakasyon ng kanyang nobyo ay sa UK nanirahan ang beauty queen simula noong July 2020.

Samantala, kilalanin sa gallery sa ibaba ang ibang celebrities na aminadong nagparetoke: