
Kilala ang batikang aktres at dating beauty queen na si Pilar Pilapil sa pagkakaroon ng “face that could launch a thousand ships”. Kaya naging kataka-taka para sa marami ang titulo ng libro ng kaniyang life story na The Woman Without a Face. Kaya naman, nilinaw ng batikang aktres kung saan nanggaling ang titulong iyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 29, tinanong ni Boy Abunda kung bothered ba si Pilar sa naturang moniker niya. Paglilinaw ng aktres, hindi siya na-bother at sa halip, meron ito umanong kuwento.
Aniya, nagpipinta siya noong 1980's na umabot sa 100 paintings at isa umano sa mga ito ay painting ng isang babae na walang mukha. Ayon kay Pilar, na-realize niyang ipininta niya ang sarili, at doon niya nakuha ang titulo ng libro.
Paliwanag niya, “At that time, kasi at that stage in my life, I was going through a lot of upheavals and I ended up in situations that I really should not have ended up in.”
“It was a stage in my life where I really could not look at anyone straight because I was feeling shame, and I was feeling a lot of hurt, a lot of things put together,” sabi ni Pilar.
Dahil dito, wala umano siyang mukha na maiharap noon sa publiko kaya niya naipinta ang naturang painting at ibinigay ang titulo dito.
KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA MAY DRAWING O PAINTING SKILLS DIN SA GALLERY NA ITO:
Samantala, aminado naman si Pilar na naging malaking epekto sa kaniyang buhay ang pagiging isang ina. Ngunit nilinaw ng batikang aktres na nakaapekto ito “in a positive sense, but it also affected me in a negative sense.” parehong positibo at negatibo ang naging epekto nito sa kaniya.
Paliwanag niya, “At that time, I had a child out of wedlock. It developed some insecurity somehow. But being a mother per se, of course, a woman will always welcome becoming a mother, right? I mean not all women become mothers so in a positive way, it also affected me in a positive way.”
Sinabi rin ni Pilar na naging mas mature siya at nagbago rin ang pananaw sa buhay, ngunit sinabing “unti-unti, it took a long time.”
BASAHIN ANG IBA PANG KUWENTO NI PILAR PILAPIL SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA DITO