What's on TV

Pilot episode ng 'Agimat ng Agila,' napamangha ang mga manonood

Published May 3, 2021 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD eyes completion of cash aid to PUV drivers by May 20, 2026
Old woman in Benguet killed, buried allegedly by own son
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

agimat ng agila pilot episode


Inihalintulad ng mga manonood sa isang pelikula ang bagong programang 'Agimat ng Agila,' na mapanood tuwing Sabado sa GMA Network.

"Ang ganda, para kang nanonood ng pelikula!"

Isa ito sa mga komento ng mga nanood sa pilot episode Agimat ng Agila, ang pinakabagong fantasy-action-romance-family drama-adventure series ng GMA Network, na pinagbibidahan ni Bong Revilla.

Nagsimula na ang istorya ng Agimat ng Agila noong Sabado, May 1, kung saan pinakilala si Gabriel, at ang kinabibilangan niyang Task Force Kalikasan.

Habang hinahabol ang mga illegal na nagtotroso, nakakita siya ng isang agila na tinamaan ng baril.

Inuwi ni Gabriel ang agila para ipakita sa kanyang asawang si Myrna (Sheryl Cruz), isang veterinarian.

Habang ginagamot ni Myrna ang agila, hindi nila namalayang may nalaglag na balahibo na mahiwagang nawala.

Ang hindi alam ng pamilya ni Gabriel ay enchanted ang agilang iniligtas nila.

Naging matagumpay naman ang operasyon ni Gabriel at ng kanyang kasamahan na si Gerry (Allen Dizon) ng valor award.

Dito, nakilala niya ang businessman na si Alejandro (Roi Vinzon) na nagbigay ng payo sa kanya tungkol sa kanyang trabahong ginagawa.

Sa Twitter, marami ang nasabik sa pagbabalik-telebisyon ni Bong.

Bukod rito, pinuri din ng iba ang magandang cinematography ng palabas at inihalintulad ito sa mga pelikulang pinapalabas sa mga sinehan.

Tingnan ang naging reaksyon ng mga tao:

Mapanonood ang unang episode ng Agimat ng Agila sa video sa itaas. Kung hindi nagpe-play ang video, pumunta DITO.

Tutukan lang ang paganda na paganda na istorya ng Agimat ng Agila tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang Agimat ng Agila sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.