
Simula pa lamang ay panalo na agad sa rating ang pinakabagong afternoon series ng GMA na Forever Young.
Nakapagtala ang unang episode ng Forever Young, na umere noong Lunes (October 21), ng 7.1 percent na TV ratings base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Ang Forever Young ay pinagbibidahan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell kasama sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Meet the cast of 'Forever Young'
Sa pilot episode ng Forever Young, nasaksihan ang malalim at marahas na kompetisyon sa politika ng pamilya nina Eduardo Malaque at Esmeralda Vergara.
Tampok sa inspiring family drama ang pambihirang kuwento ni Rambo (Euwenn), isang 25-year-old na may kakaibang kondisyon na tinatawag na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki. Sa kabila ng kaibahan, lalaban siya bilang mayor ng bayan ng Corazon.
Patuloy na subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang unang episode ng Forever Young sa video na ito: