
Umabot na sa mahigit 1.9 million ang bilang ng video views ng pilot episode ng bagong digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts at kilala rin bilang Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.
Ang nasabing video views ay combined numbers mula sa Meta, YouTube, at TikTok analytics.
Bukod dito, nakatanggap din ng maraming positibong kumento mula sa mga manonood ang pilot episode ng In My Dreams na ipinalabas lamang noong Huwebes, May 18.
“So much love this first episode pa lang ang ganda na. Congrats Team Jolly and thank you so much GMA Public Affairs,” kumento ng isang netizen.
“Ganda! Kaabang-abang ang next episodes! Congratulations, Team Jolly!” saad ng isang fan.
Dagdag naman ng isang netizen, “Maraming makakarelate nito lalo na it tackles mental health issue din. Can't wait for the next episode.”
Dahil sa ganda ng kuwento ng serye, maraming netizens din ang humihiling na ipalabas na rin sa TV ang nasabing digital series.
“Super ganda unang episode palang grabe deserve nitong mapalabas sa TV napaka-ganda napakahusay please GMA ipalabas niyo po ito sa TV more more with my #AlFia,” kumento ng isang netizen.
Iikot ang kuwento ng In My Dreams sa business student at no boyfriend since birth o NBSB na si Sari na ginagampanan ni Sofia, at kay Jecoy na binibigyang-buhay naman ni Allen.
Upang maibsan ang kaniyang kalungkutan sa realidad ng buhay, nakabuo ng bagong mundo si Sari sa pamamagitan ng lucid dreaming kung saan niya nakilala si Jecoy. Sa kaniyang panaginip, pawang kasiyahan lamang ang kaniyang nararanasan kasama si Jecoy.
Pero ang pag-ibig na sa panaginip natagpuan, kaya bang itawid sa totoong buhay?
Mapapanood ang In My Dreams sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.
SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: