
Ipinalabas na noong Huwebes, May 18, ang first episode ng bagong digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams. Pinagbibidahan ito ng Sparkle sweethears o kilala rin bilang Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.
Sa nasabing episode, ipinakilala na ang karakter ni Sofia bilang si Sari - isang business student na matalino at masipag pero laging outcast kung kaya't madalas siyang ma-bully sa kanilang school.
Malungkot din ang buhay ni Sari sa kanilang tahanan kasama ang kaniyang ina dahil iniwan na sila ng kaniyang tatay.
Upang maibsan ang kaniyang kalungkutan, nanonood na lang siya ng TikTok upang malibang ng content creators. Pero bukod dito, nadiskubre naman ni Sari na isa siyang lucid dreamer kung saan nako-control niya ang kaniyang panaginip.
Sa kaniyang lucid dreams, dumating ang mga mean girl na nambu-bully kay Sari pero to the rescue naman sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan na content creator.
Nagtapos ang pilot episode habang nananaginip pa rin si Sari na nasa dalampasigan siya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Dito na rin nila naisipan na hanapin ang soulmate ni Sari - si Jecoy.
Mula sa itaas, biglang bumagsak si Jecoy sa kinaroroonan nina Sari at dito na na love at first sight ang dalawa sa isa't isa.
Panoorin ang unang episode ng In My Dreams, sa video sa ibaba:
Subaybayan ang In My Dreams na mapapanood sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.
SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: