GMA Logo Its Showtime and Its Showtime ratings art card
What's on TV

Pilot episode ng 'It's Showtime' sa GMA, humataw sa ratings!

Published April 8, 2024 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons driver of modern jeepney in viral counterflow video
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime and Its Showtime ratings art card


Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa 'It's Showtime,' Madlang Kapuso!

Noong April 6, napanood ang unang episode ng It's Showtime sa GMA at talaga namang marami ang tumutok sa makasaysayang pangyayari na ito sa Philippine noontime television.

Patunay rito ang mataas na rating na nakuha ng noontime variety show. Nakapagtala ang pilot episode ng It's Showtime ng 9.6 percent, ayon sa data ng NUTAM People Ratings.


Sa debut ng It's Showtime sa GMA, matatandaan na pasabog ang naging performances ng hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.

Bumisita at nakisaya sa segment na “Karaokids” ang nagniningning na Kapuso stars na sina Jillian Ward, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Mikee Quintos, Mark Bautista, Nadine Samonte, Christian Bautista, Jake Vargas, at Chanty Videla.

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'


Matapos ito, sumalang ang Kapuso actress at beauty queen na si Michelle Dee sa “EXpecially For You” at nakasama niya rito ang inang si Melanie Marquez.

Sa episode ng It's Showtime ngayong Lunes, labis ang pasasalamat ni Vice Ganda sa suporta ng Madlang Kapuso at nangakong araw-araw silang maghahatid ng saya sa mga manonood.

Aniya, “This is no longer a dream, this is reality. At busog na busog kami sa pagmamahal at suporta na natanggap namin sa inyo, Madlang mga Kapuso. Makakaasa kayong araw-araw namin kayong pasasayahin at araw-araw namin kayong pupusuan.”

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.