What's on TV

Pilot episode ng 'My Fantastic Pag-ibig,' kinakiligan ng netizens!

By Dianara Alegre
Published February 1, 2021 12:09 PM PHT
Updated February 1, 2021 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales at Kim De Leon


Sinuportahan ng fans ang pagganap nina 'StarStruck' Season 7 alums Kim De Leon at Lexi Gonzales bilang sina Milos/Pido at Lovelyn Donato sa bagong fantasy romance anthology na 'My Fantastic Pag-ibig.'

Nagsimula na nitong Sabado, January 30, ang much-awaited fantasy romance anthology na My Fantastic Pag-ibig.

Bumida sa unang installment nitong “Love Wars” ang StarStruck Season 7 alums na sina Kim De Leon at Lexi Gonzales.

Lexi Gonzales at Kim De Leon

Tungkol ito sa love story ng isang kupido at dating app developer. Sa kwento, nangangamba ang mga kupido sa pangitain na maraming tao ang magiging broken-hearted at mawawalan ng paniniwala sa true love at ang itinuturo nilang dahilan ay ang dating app na “MatchMaker.”

Kaya naman ang magiging misyon ni Milos/Pido (Kim) ang isabotahe ang tagumpay ng dating app. Magpapanggap siyang intern at mag-a-apply sa kumpanyang namamahala sa “MatchMaker.” Doon ay makikilala niya ang charming na developer nito na si Lovelyn (Lexi).

Kinikiligan ng netizens ang pilot episode nito at sinuportahan din nila ang bagong tambalan nina Kim at Lexi.

Narito ang ilan sa kanilang tweets:

Tampok din sa two-part weekly series sina Rodjun Cruz bilang ang master cupid na si Amadeus/Amado, Divine bilang si Freya, ang CEO ng dating app na “MatchMaker,” Maey Bautista, at Mike Liwag.

Divine Rodjun Cruz Maey Bautista at Mike Liwag

Mula sa direksyon ni Michael Christian Cardoz, subaybayan ang My Fantastic Pag-ibig na maghahatid sa inyo ng magic, saya, at kilig tuwing Sabado, 7:30-8:20 p.m., sa GMA News TV.

Kilalanin ang cast My Fantastic Pag-ibig sa gallery na ito: