
Mainit ang naging pagtanggap ng Kapuso viewers sa pilot episode ng Stories from the Heart: Love On Air na pinagbibidahan ng real-life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Pasok sa Top 5 Twitter Philippines top trending list ang #LOANowAiring ngayong Lunes, November 29.
Nakilala na ng netizens ang raketerang si Wanda o Miss Wonderful na ginagampanan ni Gabbi Garcia at ang dedicated radio host na si DJ Joseph na ginagampanan naman ni Khalil.
Sa unang araw pa lang, ipinakita na ang nakakakilig na eksena at pagtatagpo nina Wanda at Joseph na nagpaingay sa maraming Kapuso viewers lalo na ang GabLil fans na hindi napigilang i-post sa Twitter ang kanilang mga reaksyon.
high-five Wanda and Joseph, kudos!!@gabbi & @TheKhalilRamos
-- Gabbified Pangasinan (@_gabbiphile) November 29, 2021
GABBI as WANDAful#LOANowAiring
May isang netizen ang nakakarelate daw sa mood ni Wanda. Habang ang isang fan, nag-selfie pa sa kanilang TV, habang nanonood ng Love On Air sa GMA.
wanda is a mood @gabbi #LOANowAiring pic.twitter.com/ALEQJRUQmS
-- bubbatchoy (@_arawatgabbi) November 29, 2021
Who's watching? Number 1 fans present ❤️ pic.twitter.com/i1cfgJh5CA
-- Tes Lopez (@tekslopez) November 29, 2021
Ito ang first Kapuso series ni Khalil kaya naman nagpakita rin ng suporta ang aktor sa world premiere ng kanilang programa kasama si Gabbi at ang isa rin sa cast ng series na si Psalms David sa Twitter.
Who's watching? 🙋🏽♂️ #LOANowAiring
-- Khalil Ramos (@TheKhalilRamos) November 29, 2021
Here we go!!! #LOANowAiring !!!
-- Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) November 29, 2021
Who's watching the pilot episode of Love On Air? #LOANowAiring 📻
-- psalms (@ImPsalmsDavid) November 29, 2021
Mapapanood ang Stories from the Heart: Love On Air, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos ng naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air: