GMA Logo Gabbi Garcia and Khalil Ramos
Celebrity Life

Gabbi Garcia and Khalil Ramos go on a movie date after two years

By Jimboy Napoles
Published November 17, 2021 9:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia and Khalil Ramos


Hindi pinalampas ng Kapuso celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na muling makabisita sa sinehan matapos ang dalawang taon.

Sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila, muli na ring pinayagan ang pagbabaik operasyon ng mga sinehan at movie houses, pagkakataon na hindi pinalampas ng Kapuso celebrity couple at Stories from the Heart: Love On Air lead stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Hindi napigilan ng GabLil ang kanilang excitement sa kanilang naging movie date na ngayon ay nagawa na nilang muli sa isang sinehan. Sa Instagram, ipinost ni Gabbi ang mga larawan nila ng boyfriend na si Khalil na kitang-kitang nag-enjoy sa kanilang cinema visit.

"AT LAAAST!!!! After 2 years!!! wooohooo!!!" caption ni Gabbi sa kaniyang post.

Isang post na ibinahagi ni Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

Fresh from lock-in taping sina Gabbi at Khalil para sa kanilang pagbibidahang GMA Afternoon Prime series na Stories from the Heart: Love On Air at ito na rin ang kanilang maituturing na pahinga mula sa kanilang mga proyekto.

Bukod sa celebrity couple mapapanood rin sa serye ang nagbabalik-Kapuso na si Sunshine Cruz. Karama rin nila sina Kate Valdez, Yasser Marta, Kiray Celis at Anjo Damiles.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos sa lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air: