GMA Logo heart Evangelista and Sean Lucas
What's on TV

Pilot episode ng 'The People Have Spoken', pinusuan ng netizens!

By Kristine Kang
Published June 7, 2026 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate employees are not bound by political loyalties, says workers union
This cafe serves coffee, matcha, and 10-inch pancakes
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste

Article Inside Page


Showbiz News

heart Evangelista and Sean Lucas


Subaybayan ang 'The People Have Spoken', tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.

More tawa, more saya ang hatid tuwing Saturday nights sa pinakabagong GMA original game show na The People Have Spoken!

Kagabi (June 6), nagsimula na ang papremyo at kulitan sa fun pilot episode ng programa.

Mula sa nakakatawang banter hanggang sa mga candid na opinyon, naaliw ang mga manonood sa newest tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.

Dagdag saya rin ang hatid ng unang celebri-peeps na sina Joy Barcoma at Baus Rufo, na nagbigay ng mga nakaaaliw na hirit at kuwentuhan sa buong episode.

Mas naging kapana-panabik naman ang laro nang magharap ang celebrity pair contestants na sina Susan Enriquez at Suzi Entrata (Team Sanzi) laban kina Mariz Umali at Lyn Ching (Team Malyn).

Hindi lamang ang 100 studio audience o ang "The People" ang nasiyahan sa programa. Maging ang mga manonood ay nagbahagi rin ng positibong reaksyon sa social media.

Maraming netizens ang natuwa at pinuri ang kakaibang saya dala ng game show. May ilan ding fans na humanga sa hosting skills ng newest Kapuso tandem.

"Congrats, The People Have Spoken! Super unique!" komento ng isang fan.

"Congratulations, Heart Evangelista. Good energy. Kudos to GMA new program✨👏" dagdag pa ng isa.

"Galing dito ni Sean ah," papuri ng isang netizen.

Bukod sa mga host, kinaaliwan din ng viewers ang candid na opinyon at nakakatawang banters ng celebri-peeps.

"Ang ganda ng show,, I love that Sean is good with banters, charming ni Ms. Heart, and Baus esp. Josa are very eloquent..Keep it up!" post ng isang netizen.

Dahil dito sa game show na "POV mo, panalo!", marami ring netizens ang nakisali sa diskusyon online at nagbahagi ng kanilang sariling opinyon tungkol sa mga tanong na tampok sa episode.


Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available din ang full episodes sa GMANetwork.com at YouLOL official pages.

Balikan ang fun moments sa The People Have Spoken pilot episode sa gallery na ito: