GMA Logo underage pilot episode
What's on TV

Pilot episode ng 'Underage,' wagi sa ratings!

By Dianne Mariano
Published January 18, 2023 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bianca Gonzalez explains why she took her daughters to anti-corruption rally
Japanese accused of kidnapping with r@pe in Cebu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

underage pilot episode


Panalo sa ratings ang unang episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na 'Underage.'

Mainit na inabangan ng mga manonood ang unang pasabog sa hapon ngayong 2023, ang Underage, na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

akapagtala ang pilot episode ng serye, na ipinalabas noong January 16, ng 7.2 percent na ratings base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)

Sa unang episode ng Underage, matatandaan na nagkaroon ng wardrobe malfunction si Chynna (Elijah) habang nagvi-video na sumasayaw kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Celine (Lexi) at Carrie (Hailey) sa ilog.

Matapos ito, napansin ni Celine na mayroong lalaking patagong kumukuha sa kanila ng video.

Nauwi naman sa trahedya ang buhay ni Delfin (Smokey Manaloto) matapos siyang maaksidente sa daan dahil hinabol niya ang binatang si Lester (Anjay Anson), ang kumuha at nagpakalat ng video ng Serrano sisters sa social media.

Samantala, umani ng papuri mula mga manonood ang kauna-unahang episode ng serye dahil sa mga intense na eksena at mahahalagang aral na mapupulot mula rito.

Subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via livestream sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: