GMA Logo Underage
What's on TV

'Underage' pilot episode, umani ng papuri mula sa netizens

By Dianne Mariano
Published January 17, 2023 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Underage


Unang episode pa lamang ng newest afternoon drama series na 'Underage' ay puno na agad ito ng mga intense na eksena.

Ipinalabas na kahapon (January 16) ang pilot episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Underage at talagang sinubaybayan ito ng mga manonood dahil sa intense na mga eksena.

Sa kauna-unahang episode ng serye, ipinakita ang simple at masayang pamilya ng mga Serrano, na agad na nagbago dahil sa isang video ng magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).

Matatandaan na nagkaroon ng wardrobe malfunction si Chynna habang nagvi-video na sumasayaw kasama ang kanyang mga kapatid sa ilog. Matapos ito, napansin ng panganay na si Celine na mayroong lalaking kumukuha sa kanila ng video.

Nang malaman ni Delfin (Smokey Manaloto) na kumalat sa social media ang video ng magkakapatid, hinabol niya si Lester (Anjay Anson), ang kumuha at nagpakalat ng video, ngunit nauwi sa trahedya ang buhay niya matapos maaksidente.

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang pilot episode ng Underage dahil kapupulutan ito ng mga mahahalagang aral, lalo na sa henerasyon ngayon kung saan malawak ang impluwensya ng social media.

Bukod dito, mayroon ding ilang netizens na hindi naiwasang manggigil sa mga hamong kinaharap ng Serrano sisters.

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Elijah na marami pang dapat abangan ang mga manonood sa Underage.

“Nakakataba po ng puso na grabe po 'yung welcome sa amin ng mga viewers. Marami pa pong plot twists kayong dapat abangan,” aniya.

Subaybayan ang Underage tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Unica Hija.

Mapapanood din ang programa via livestream sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.