
Congratulations to the cast and crew of 'Wish I May!'
By MARAH RUIZ
Nagsimula na noong Lunes, January 18, ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Wish I May.
Ayon sa National Urban Television Audience Measurement or NUTAM ng AGB Nielsen Philippines, nakakuha ng 6.2 na rating para sa kanyang timeslot. Mas mataas ito kumpara sa 5.0 na nakamit ng kasabay nitong palabas sa ibang network.
Congrats to everyone behind #WishIMay for the phenomenal rating on its pilot episode! #WishIMay every 2:30pm after Eat...
Posted by GMA Artist Center on Tuesday, January 19, 2016
Pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix ang Bianca Umali ang Wish I May. Kasama nila dito ang premyadong mga aktor tulad nina Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Alessandra de Rossi, Rochelle Pangilinan, Glydel Mercado at iba pa.
Tunghayan ang kakaibang kuwento nito, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga.