
Isang korona na naman ang naiuwi ng Pilipinas mula sa isang international beauty pageant.
Ngayong araw, October 30, itinanghal na Miss Intercontinental 2021 ang Pinay beauty queen na si Cinderella Faye Obeñita o mas kilala bilang "Cindy".
Sa isang Facebook post, inanunsiyo ng Binibining Pilipinas ang pagkapanalo ni Cindy.
"Second Miss Intercontinental crown for the Philippines! Congratulations to our Miss Intercontinental 2021 Cinderella Faye Obeñita! The whole country is proud of you!" anunsiyo at pagbati ng beauty pageant organization.
Taong 2019, nasungkit ni Karen Gallman ang unang pagkapanalo ng Pilipinas sa nasabing international pageant.
Samantala, kilalanin naman sa gallery na ito ang ilang mga beauty queens na nahanap ang kanilang tahanan sa GMA Network: