
Mapapanood sina Kapuso star Kazel Kinouchi at seasoned actress Pinky Amador sa The Boobay and Show ngayong Linggo (July 23).
Maghahatid ng saya ang Abot-Kamay Na Pangarap stars kasama sina TBATS host Boobay at guest co-host na si Kakai Bautista.
Sasabak sina Kazel at Pinky sa aktingan kasama sina Boobay at Kakai dahil ire-reenact nila ang ilan sa matitinding mga tagpo ng Abot-Kamay Na Pangarap sa segment na “Ang Arte Mo.”
Ibabahagi rin ng guest stars ang limang bagay na kinaiinisan ng tao sa kanyang kapitbahay sa “TBATS Top 5.” Matapos ito, babasahin nina Pinky at Kazel ang meanest social media comments sa “Ang Harsh” segment.
Exciting 'di ba? Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show sa Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits.
SAMANTALA, KILALANIN SI KAZEL KINOUCHI SA GALLERY NA ITO.