
Pinanggigigilan man ng marami si Moira sa Abot-Kamay na Pangarap, tila marami ang nakaka-miss sa aktres na gumaganap dito na walang iba kundi si Pinky Amador. Kaya naman sa pagbisita ng batikang aktres sa pinakabagong episode ng GMA Pinoy TV podcast mayroon itong kaunting update.
Sa takbo ng kwento ng hit medical series, namatay ang karakter ni Pinky sa isla at ipinagluluksa ng kanyang anak na si Zoe ang kanyang pagkawala.
Ayon kay Pinky, “It feels great” na maging favorite villain ng netizens sa Afternoon Prime. “It feels humbling, and I feel hashtag feeling blessed talaga. Kasi when we started the soap, none of us knew or thought that it would last this long.”
Aminado si Pinky na parte ng pagiging 'Most Hated Villain' ang bashers at haters pero ayon sa kaniya, kailangan lang i-take with a grain of salt ang mga komento na ito.
“Because all the haters at saka lahat ng mga taong nadadala sa mga kuwento namin, it's a testament to the power of storytelling. Kaya sila nadadala. Kaya kami, natutuwa,” sabi niya.
Noong Pebrero ay inilunsad ng GMA Pinoy TV podcast ang kanilang fourth season kung saan ilan sa mga pinakamalalaking Kapuso stars ang naging opening guest. Kabilang dito ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, at ang co-stars ni Pinky na sila Jillian Ward at Ken Chan.
Samantala, pakinggan ang buong interview kay Pinky Amador sa GMA Pinoy TV podcast rito:
MAS KILALANIN PA SI PINKY AMADOR, ANG GUMANAP SA KARAKTER NI MOIRA TANYAG, SA GALLERY NA ITO: