
Nakasama ni Dingdong Dantes sa ikatlong bahagi ng Amazing Earth 5th anniversary special ang Pinoy adventurer na si Marco Puzon.
Si Marco ay isang inspiring at amazing na Pinoy adventurer dahil siya ang unang nakalibot sa lahat ng bayan at siyudad sa bansa.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Sa Amazing Earth, ikinuwento ni Marco ang kaniyang pagkamangha sa ganda ng Pilipinas.
"I'm full of gratitude at saka na-amaze ako na ang Pilipinas, ang daming islands, ang dami pa rin pala na magandang puntahan."
Ang huling pinuntahan ni Marco ay ang Pag-asa Island kung saan kinailangan niya muna magpasa ng clearance mula sa local government, Department of the Interior and Local Government (DILG), at military bago makabisita sa lugar.
Kuwento ni Marco ay ang kaniyang naramdaman nang opisyal nang nagtapos ang kaniyang misyon na ikutin ang Pilipinas.
"When I took the first steps, para akong nabuhusan ng malamig na tubig kasi finally, after 10 years, tapos na."
Sa kabuuan, 1,634 municipalities and cities ang bilang ng lugar na napuntahan ni Marco sa loob ng 10 taon.
Tutukan ang susunod na mga episodes ng Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.