testALT Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
What's Hot

'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition,' may panibagong season agad

By Maine Aquino
Published July 6, 2025 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO: Vlogger na nagmaneho na nakataas ang hita, suspendido ang lisensiya dahil sa reckless driving
Filo Engenes get a chance to meet ENHYPEN in South Korea
Operator of taxi in Davao that overcharged couple penalized

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Excited na ang mga manonood sa bagong 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!'

Magkakaroon agad ng bagong season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!

Dahil successful ang GMA and ABS-CBN collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong 2025, inilahad na sa mga manonood ang susunod na pinaghahandaan sa Bahay ni Kuya.

Sa Big Night nitong July 5, in-announce ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition host na si Bianca Gonzalez ang exciting na balitang ito.

Ayon kay Bianca, "Makinig nang mabuti, dahil pinaghahandaan na ni Kuya ang susunod na PBB Collab this year."

Pagkatapos ng announcement, ilang netizens ang nagpahayag na excited na sila sa season na ito.

Saad ng isang sumubaybay sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, "SEE YOU THE NEXT PBB COLLAB SEASON 2!"

Ayon naman sa isang netizen, "PBB Collab Season 2 agad! Grabe!"

PHOTO SOURCE: X

May ilan ding nagbahagi ng kanilang napupusuan sa celebrity housemates. Samantala, mayroon ding nagsabi ng kanyang wish sa next season.

"ang taas na agad ng expectations para sa season 2 ng pbb collab hahahaha basta ako ang wishlist ko lang ay: (1) sa bagong bahay na nila gawin, (2) mas hirapan naman yung tasks, at (3) sana ibahin yung twists ng duos"

PHOTO SOURCE: X

Abangan ang susunod na announcements sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

SAMANTALA, BALIKAN ANG PBB JOURNEY NINA MIKA SALAMANCA AT BRENT MANALO DITO: