
Sa pagpasok ng bagong buwan, may bagong announcement din si Kuya.
Ang announcement at tila big revelation na ito ay tungkol sa pagsisimula ng 'Pinoy Big Brother Collab 3.0' na magaganap na ngayong October 2026.
Ayon sa posters, “May announcement si Kuya! Magbubukas na ulit ang bahay niya. This October na.”
Nasa comments section naman ang reaksyon ng ilang netizens sa PBB-related posts na talaga namang nakadagdag ng excitement para sa mga nag-aabang sa bagong season.
Ilan sa kanila ang napatanong kung sinu-sino ang housemates na mapapanood nila rito at ang iba naman ay napa-comment kung gaano sila ka-excited para sa mga bagong pasabog ni Kuya.
Sinu-sino nga kaya ang next housemates, hosts, at guests sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0'?
Ano kaya ang twists na mangyayari sa new season ng reality competition at ano kaya ang surprises na naghihintay para sa ordinaryong Filipino housemates? 'Yan ang mga dapat abangan sa upcoming season.
Matatandaang pinag-usapan at tinutukan ng viewers ang nakaraang dalawang collab editions ng 'Pinoy Big Brother' kung saan ang itinanghal na big winners ay sina Mika Salamanca (Sparkle) at Brent Manalo (Star Magic), at Caprice Cayetano (Sparkle), at Lella Ford (Star Magic).
Huwag palampasin ang susunod na updates tungkol sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0' sa GMANetwork.com.
Related gallery: Former PBB housemates bid farewell to the iconic house before the lipat-bahay