
Ramdam na ramdam na ang excitement ng Pinoy viewers at netizens sa upcoming new collab edition ng Pinoy Big Brother.
Bukod sa bagong season, kaabang-abang din ang bagong Bahay Ni Kuya, kung saan papasok at maninirahan ang bago niyang housemates.
Kinumpirma ito ni ABS-CBN COO Cory Vidanes sa company Annual Stockholders' Meeting na ginanap nitong August 19.
Pahayag niya, “We are launching Pinoy Big Brother Collab 3.0 on October in partnership with GMA. Yes, we are moving to a new PBB house that will be more cost-efficient for us.”
Matatandaang sa latest collab na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang itinanghal na Kapuso at Kapamilya Big Winners.
Sa unang season naman ng collab, ang Kapuso at Kapamilya Big Winners ay sina Mika Salamanca at Brent Manalo.
Ongoing ang audition ngayon para sa new housemates ng Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Ano-ano kaya ang bagong tasks, twists, at iba pang magaganap sa loob ng iconic house?
Abangan pa ang susunod na announcement ni Kuya tungkol sa Pinoy Big Brother 3.0 na makikita rin dito sa GMANetwork.com.
Related gallery: Former PBB housemates bid farewell to the iconic house before the lipat-bahay