
Isang amazing na kuwento ng Pinoy adventurer ang ibabahagi ni Dingdong Dantes sa ikatlong bahagi ng anniversary special ng Amazing Earth.
Sa darating na Biyernes (July 28), makikilala natin si Marco Puzon, ang ultimate Pinoy adventurer dahil sa siya ang unang nakabisita sa lahat ng bayan at siyudad sa bansa.
Sa isang exclusive interview ni Dingdong kay Marco ay matutuklasan natin kung paano niya napasyalan ang iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Mula naman sa Milagros, Masbaste, ipapasyal tayo ng vlogger na si Blas Vargas sa "cave of skulls."
Hindi rin papahuli sa Amazing Earth ang battle for survival mula sa nature documentary na “Wild Dynasties: Gangs.”
Abangan ang bagong Friday night habit na handog ng Amazing Earth ngayong July 28, 9:35 pm sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: