
Pitik Queen, soft moves, at chihuahua smile. Ilan lamang yan sa pinasikat ng viral content creator at philanthropist na si Ian Mark Kulan Kamangkang.
Sumikat sa Tiktok si Ian Mark dahil sa patok niyang 'soft moves' habang sumasayaw sa kantang "Hawak Mo Ang Beat."
Dahil sa kanyang pagsusumikap mula sa kabi-kabilang guesting at brand collaboration, buong tuwang ibinahagi ni Pitik Queeni na nagawa na niyang ipa-renovate ang bahay nila sa South Cotabato.
Sabi ni Ian Mark sa post niya sa Facebook, “Katas ng aking pitik at soft moves.”
Dagdag niya, “Natupad ang isa sa pinakamalaking pangarap ko—ang ma-renovate ang bahay ng aking mga magulang. Noong nagsimula, napaluha sila sa tuwa, at ngayon, ligtas na kami kahit umulan.
“Una sa lahat, salamat sa Diyos sa gabay at biyaya.
“Maraming salamat din sa aking followers sa patuloy na suporta.”
Related gallery: 'Pitik Queen' Ian Mark collaborates with celebrities and content creators