GMA Logo Miguel Tanfelix in Planet XP
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's on TV

'Planet XP,' nag-donate ng mga life vest para sa mga kabataang Dumagat

By Maine Aquino
Published May 5, 2026 3:58 PM PHT
Updated May 5, 2026 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Group calls for broader consultations on data rollover bills
Cops hunt down man who assaulted commuter, PUJ driver in CDO
Where to play in Dumaguete, the rising pickleball hub of PH

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Planet XP


Nakatanggap ng mga life vest mula sa 'Planet XP' ang mga kabataan mula sa Sitio Iligan, Norzagaray, Bulacan.

Nagbigay ng mga life vest ang team ng Kapuso infotainment show na Planet XP sa mga kabataang Dumagat.

Sa pagbisita ni Miguel Tanfelix kasama ang team ng Planet XP sa komunidad ng mga katutubong Dumagat sa Sitio Iligan, Norzagaray, Bulacan, nalaman nila mula kay NCIP personnel Luzviminda San Jose na araw-araw pang tumatawid sa ilog ang mga kabataan para lamang makapasok sa eskuwelahan.

PHOTO SOURCE: Planet XP

Kasama sa Team Planet XP na nagbahagi ng life vests sina Executive Producer Roy San Luis, Program Manager Pat Bringas, NCIP Personnel Brenda Molina, MWSS Wilson Baluca, NCIP Personnel Luzviminda San Jose, Headwriter Mike Rivera, at Associate Producer Jerwin Ubaldo.

PHOTO SOURCE: Planet XP

Ang pagpunta ng Planet XP sa Sitio Iligan ay ipinalabas sa pilot episode noong May 2. Ang programa ay isang five-part magazine-infotainment special na proyekto ng GMA Network, katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).

Naging inspirasyon sa marami ang ipinakitang sipag at determinasyon ng mga kabataan. Bilang tugon, nagbigay ang team ng Planet XP ng mga life vest upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa araw-araw na pagtawid sa ilog papunta sa eskuwelahan.

Samantala, balikan ang mga naganap sa unang episode ng Planet XP nitong May 2:


Patuloy na subaybayan ang Planet XP tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa GMA.