
Beh! May bagong celebri-peep na makikisaya sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken!
Ngayong Sabado (August 22), humanda sa fresh na kulitan at kuwentuhan na handog ng special celebri-peep guest.
Kasama ang resident celebri-peep na si Janeena Chan, abangan ang kanilang mas solid na tawanan at candid opinions bilang newest pair ng game show.
Sagot din niya ang dagdag na kulitan kasama ang Kapuso hosts na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Sino nga ba ito? Walang iba kundi ang funny at witty content creator na si Poca!
READ: Paano nga ba maging sosyal ayon kay Poca?
Abangan si Poca ngayong Sabado sa The People Have Spoken, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: