
Game na game si Pokwang sa pagsagot ng iba't ibang mga tanong tungkol sa kaniyang love life.
Sa YouTube channel ng kaniyang anak anakan sa showbiz na si Aiko Melendez ay inamin ni Pokwang na bukas pa rin ang kaniyang puso na magmahal ulit.
Kuwento ni Pokwang, "Ay nako, ang plastik-plastik ko naman kapag sinabi kong hindi na."
Pero nilinaw ng TiktoClock host na dapat ay ipinagkinaloob ng Panginoon sa kaniya ang bagong pag-ibig.
"Dahil nga nadala na ako, napaso na ako, bahala Ka na po. Kung hindi rin lang galing sa Kaniya huwag na lang."
PHOTO SOURCE: YouTube: Aiko Melendez
Ikinuwento rin ni Pokwang ang nagiging pang-asar sa kanya ng mga kaibigan tungkol sa kanyang love life.
"Nagiging running joke na 'to. Kami ng mga friendships sa trabaho. Nako matatakot sa'yo ang mga AFAM. siyempre kapag nakita ka, 'yun 'yung nagpapa-deport, layo tayo diyan.' 'Yun 'yung naging running joke."
Matatandaang nag-file ng deportation case ang Kapuso comedienne laban sa kaniyang ex-boyfriend na si Lee O'Brian noong June 2023.
Ikinuwento naman ni Pokwang ang sinabi ng kaniyang co-host sa TiktoClock at Tanghalan ng Kampeon na si Kuya Kim sa kaniyang lovelife.
"Sabi sa akin ni Kuya Kim Atienza, kapag may isang AFAM na lumapit sa'yo, at naglakas ng loob na ligawan ka at mahalin ka sa kabila ng alam niya na nagpapa-deport ka, ibig sabihin genuine 'yun. Mahal ka niya talaga. Kasi wala siyang masamang intensyon sa'yo kasi alam niyang kaya mo, nakakapagpa-deport ka. Lumalaban ka, palaban kang babae. Pero siyempre ipagdasal mo pa rin."
Sa ngayon ang dasal na lang daw ni Pokwang ay ang mabuting kalusugan at tuloy-tuloy na trabaho bago siya mag-retire.
"Ang dasal ko naman talaga, sa ngayon ay ang good health ko at more work kasi gusto ko at the age of 60 nandoon na lang ako sa tabing dagat."
Panoorin ang kuwento ni Pokwang sa vlog ni Aiko:
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE RITO: