GMA Logo pokwang
Source: itspokwang27 (Instagram)
What's Hot

Pokwang on being in a relationship: 'Hindi parang laging nasa ulap'

By Nherz Almo
Published February 10, 2023 3:06 PM PHT
Updated February 10, 2023 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Naka-relate daw si Pokwang sa isang linya sa pelikulang 'Ten Little Mistresses.' Alamin dito kung ano ito:

Tila nagtugma ang aral na natutunan ni Pokwang tungkol sa pag-ibig at ang linya na tumatak sa kanya mula sa pinagbibidahang pelikula na Ten Little Mistresses.

Sa ginanap na press conference matapos ang screening ng Ten Little Mistresses noong Martes, February 7, tinanong ng GMANetwork.com ang mga aktor kung sa anong linya sila naka-relate.

Sa halip na sumagot ang cast, nagkaisa silang ituro si Pokwang. Sabi pa ng kapwa bida niyang si Eugene Domingo, “Pokwang, ikaw? Ikaw kaya.”

Unang pabirong sagot ni Pokwang, “Yung ano, 'Ano ba tinira n'yan,” na kanyang binitawan sa isa sa mga eksena niya sa pelikula.

Kasunod nito ay tinukoy niya ang linya ng karakter na ginampanan ni Cherry Pie Picache, “Kapag nagmahal ka, magtira ka para sa sarili mo.”

Sabay sambit ng comedy actress, “Kasasabi ko lang yun kailan lang. Parang sabi ko, nagtugma!”

Matatandaan na noong nakaraang linggo sa Fast Talk With Boy Abunda, nagsalita si Pokwang tungkol sa paghihiwalay nila ng ex-partner niyang si Lee O'Brian. Dito, sinabi niya na naramdaman niyang hindi siya tunay na minahal ng dating kasintahan.

Balikan ang episode na ito rito:

Samantala, tinanong din sa presscon ng pelikula kung ano ang mensaheng nais nilang iparating sa mga manonood.

Sagot ni Pokwang, “Know your worth at saka kailangan mong pakiramdaman yung mga nangyayari sa paligid. Hindi dapat palagi ka lang, 'Ahh,' parang laging nasa ulap. Dapat maging wise ka rin, di ba?”

Bukod kay Pokwang, bida rin sa Ten Little Mistresses sina Eugene Domingo, Agot Isidro, Carmi Martin, at John Arcilla. Kasama rin nila sa pelikula sina Christian Bables, Arci Muñoz, Kris Bernal, Sharlene San Pedro, Adrianna So, Kate Alejandrino, Iana Bernardez, at Donna Cariaga.

Ang murder-mystery comedy film na ito ay mapapanood sa Prime Video sila February 15.

SAMANTALA, BALIKAN ANG TIMELINE NG RELASYON NG DATING MAGKASINTAHANG SINA POKWANG AT LEE DITO: