GMA Logo pokwang and eugene domingo
What's Hot

Pokwang at Eugene Domingo, tribute ang 'Becky and Badette' sa kanilang mga iniidolo

By Kristian Eric Javier
Published December 20, 2023 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and eugene domingo


Ayon kina Eugene Domingo at Pokwang, isang tribute para sa kanilang iniidolong celebrities ang 'Becky and Badette,' na official entry sa 2023 MMFF.

Kahit matagal nang nasa industriya, aminado pa rin ang mga bida pelikulang Becky and Badette, na sina Pokwang at Eugene Domingo, na may mga iniidolo pa rin silang mga kapwa artista, at nasa-starstruck pa rin sila sa kanila.

Sa interview nila sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi rin nina Pokwang at Eugene na nakikita nila ang kanilang pelikula bilang tribute sa mga iniidolong artista.

Sang-ayon sina Eugene at Pokwang sa paglalarawan sa genre ng kanilang pelikula bilang “90s kabaklaan.' Kaugnay nito, inamin nilang komportable naman sila gumawa ng ganoon.

“Ako,comfortable ako kasi bata pa lang ako mahilig na akong manuod ng TV at ng pelikulang Pilipino. So, familiar naman ako doon sa mga acting style, pati doon sa pag bitaw ng mga dialogue,” pahayag ni Eugene.

Nabanggit din niya na dati pa man ay Vilmanian na siya, ang tawag sa fan ng actress-turned-politician na si Vilma Santos. Bukod dito, inamin niyang naii-starstruck pa rin siya sa mga idolo niyang sina Sharon Cuneta, Nora Aunor, Maricel Soriano, at iba pang mga artista.

“Tapos biglang ginagaya-gaya namin dito sa pelikula, di ba? Parang nakakatawa man yun, ibig sabihin lang namin na parang we honor them and it's a [tribute], yes,” sabi ni Eugene.

Para naman kay Pokwang, na-train na sila noon ng yumaong direktor na si Wenn Deramas, at sinabing naging malaking tulong ang pelikula rin nila ni Eugene noon na D' Lucky Ones sa paggawa ng parody sa pelikula.

“'Yung mga aming D' Lucky Ones, mga parody din namin doon, so malaking naitulong din naman nun, in all fairness naman,” kuwento ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “Tsaka yung mga yun nga tama si Uge, yung panunuod mo ng mga TV,pag subaybay mo sa kanila. Ako mahilig ako magbasa basa dati ng mga magazines.”

Pakinggan ang buong interview nila dito: