GMA Logo pokwang
What's on TV

Pokwang, balik-teleserye via 'Binibining Marikit'

By Jansen Ramos
Published February 5, 2025 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 22, 2025 [HD]
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Pokwang sa role niya sa'Binibining Marikit': "Amoy mayaman naman ako dito, maiba lang,"

Balik-teleserye si Pokwang matapos ang dalawang taon. Mapapanood siya sa GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit, na pagbibidahan nila ni Herlene Budol.

Sa serye, gaganap si Pokwang na Mayumi, ang biological mom ni Ikit, na gagampanan ni Herlene. Malapit ang karakter niya sa kanyang tunay na buhay dahil, gaya niya, nagtrabaho rin si Mayumi sa Japan at umunlad ang buhay.

"Madalas kasi nanay ako, mahirap. Dito sa Binibining Marikit, nag-Japan pa kami, hello? Amoy mayaman naman ako dito, maiba lang," ani Pokwang sa media conference ng Binibining Marikit noong Lunes, February 3.

Bukod pa rito, nanay rin si Mayumi ng dalawang binata na anak niya sa magkaibang foreigner. Gaganap na mga anak niya sa serye sina Tony Labrusca at Kevin Dasom.

Matatandaang pina-deport ni Pokwang ang kanyang dating partner na si Lee O'Brian, isang American national.

Biro tuloy ni Pokwang, "Wala na pong deportasyon na mangyayari."

Dugtong niya. "Yung mga pinagdaanan po namin ni Herlene, wala na po. Kabag na lang po 'yun, naibuga na po namin 'yun this time."

Samantala, thankful din si Pokwang na nakatrabaho niya ang kanyang TiktoClock co-host sa soap opera dahil, aniya, para na rin silang tunay na mag-ina sa set ng Binibining Marikit.

NARITO ANG ILANG LARAWAN MULA SA MEDIA CONFERENCE NG BINIBINING MARIKIT.