
"Crazy fun" kung ilarawan nina Tony Labrusca at Kevin Dasom ang kanilang BInibining Marikit leading lady na si Herlene Budol.
Ngayon pa lang marami na ang naaaliw sa teasers ng GMA Afternoon Prime series na mapapanood na sa Lunes, February 10.
Bukod kasi sa iyakan at kilig, patatawanin din ni Herlene ang viewers at patunay diyan ang mga pahayag nina Tony at Kevin tungkol sa aktres sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa 24 Oras kagabi, February 4.
Ayon sa Thai-Irish model, tila hindi nakaramdam ng pagod si Herlene nang mag-shoot sila sa Japan.
Sabi niya, "In Japan, we were on set maybe 18 to 20 hours a day in the cold, almost smackdown winter and we just saw no drop in effort and energy or anything. She was pretty crazy in a good way."Related
Related gallery: 'Binibining Marikit,' nag-shoot ng ilang eksena sa Japan
Para naman kay Tony, masarap magtrabaho habang nasa set ng Binibining Marikit dahil kay Herlene.
Aniya, "Na-amaze ako na 'yung bida namin, s'ya rin 'yung source of inspiration and energy namin sa set. Ngayon, sobrang saludo ako kay Herlene na napakaganda ng work ethic n'ya and 'yong determination niya."
Mapapanood din sa Binibining Marikit ang TiktoClock co-host ni Herlene na si Pokwang.
Parte rin ng cast ng Binibining Marikit ang Sparklet artists na sina Thea Tolentino, Ashley Rivera, Jeff Moses, at Migs Almendras, gayundin ang mga batikang aktor na sina Cris Villanueva, Almira Muhlach, at John Feir
Ipapalabas ang Binibining Marikit Lunes hanggang Biyernes, simula February 10, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.