
Ibinahagi ni Pokwang na magbubukas na ang kanyang food business ngayong Oktubre.
Sa ilang Instagram posts, inilahad ni Pokwang ang magandang balita at ang mga produkto sa inaabangang pagbubukas ng kanyang food business.
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
Ang food business ni Pokwang ay ang Mamang Pokwang's Gourmet. Taong 2003 nang inilahad ni Pokwang ang planong pagbubukas ng kanyang food business.
Sa isang post ng TiktoClock host, sinabi niyang masaya ang mga nanay na kasama niya sa pagbuo ng kanyang mga produkto.
Ani Pokwang, "Happy ang mga nanay kapag may work sila lalo na ngayon magpapasko kaya mag ready na kayo sa mga order nyo ng @mamangpokwangs_gourmet #tuyo #laing #tinapa #sukâ #alamang #aligue follow our FB page Mamang Pokwang's gourmet at sa IG po @mamangpokwangs_gourmet."
Sinundan pa ito ng pasilip ni Pokwang sa mga aabangang produkto. Ito ay ang gourmet tuyo, tinapa, suka, bagoong alamang, at aligue.
Ayon sa Kapuso star, maaari nang magsimula ang pag-order ng kanyang produkto ngayong Oktubre. "This October pwede na kayo mag order po sa FB page Mamang Pokwang's gourmet at sa IG po @mamangpokwangs_gourmet see you…. Salamat po"
Mapapanood si Pokwang Lunes hanggang Biyernes sa TiktoClock, 11:00 a.m. sa GMA Network at GTV.
SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG MGA CELEBRITY FOOD BUSINESS OWNERS: