GMA Logo Pokwang
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Pokwang, first time naranasan ang 18 roses sa kanyang birthday production number

By Maine Aquino
Published August 27, 2022 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Nagpapasalamat si Pokwang sa 'TiktoClock' dahil nabigyan siya ng pagkakataon na ma-experience ito.

Inamin ni Pokwang na ngayon niya lang nagawa ang pagsasayaw sa 18 roses.

Ang 18 roses ay ang parte ng debut celebration kung saan isasayaw ng 18 importanteng tao ang debutante.

Nitong August 26, mala-debut ang naging birthday production number ni Pokwang sa kanyang birthday episode sa TiktoClock. Isinayaw si Pokwang sa 18 roses ng Kapuso hunks na sina Rob Gomez, Prince Carlos, Prince Clemente, at Carlo San Juan.

Pokwang s birthday production number

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Kuwento ni Pokwang sa kanyang Instagram post, "Dahil sa hirap ng buhay namin noon di ako nakaranas ng once in a lifetime na 18 roses chu chu hahhaahaha."

Nagpapasalamat siya sa TiktoClock dahil nakaranas siya ng mala-debut birthday celebration. Pinasalamatan din ni Pokwang ang dancers na nakasama sa production number sa birthday episode.

Ani Pokwang, "Nagpapasalamat ako sa aking @tiktoclockgma family dream come true nga talaga itong birthday prod ko na ito. Thank you sa mga mahuhusay naming dancers, Clock mates dancers, speed girls and mad phildancers headed by Chris Espeleta."

Sa huli, nagpasalamat si Pokwang sa mga pagbating natatanggap sa espesyal niyang araw.

"Thank you po sa lahat ng pagbati at effort mga mahal ko. Wish ko para sa lahat ay magandang kalusugan at mapayapang pamumuhay araw araw."

Panoorin ang pasabog na dance number ni Pokwang dito:

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Happy birthday, Pokwang!

SAMANTALA, NARITO ANG FABULOUS LOOKS NG ATING BIRTHDAY GIRL NA SI POKWANG: