GMA Logo Malia O'Brian and Pokwang
Celebrity Life

Pokwang ibinahagi ang bibong Tiktok video ng anak na si Malia

By Aimee Anoc
Published June 22, 2021 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Malia O'Brian and Pokwang


Naaliw si Pokwang sa kakulitan at pagkabibo ni Malia sa bagong Tiktok video nito. Ano nga ba ang ginawa ng anak ng komedyante?

Bibong-bibo ang anak ng bagong Kapuso actress na si Pokwang sa Tiktok video na kanyang ibinahagi sa Instagram. Sa post nito, natatawa at nagtataka ang komedyante kung paano nalaman ng kanyang 3-year-old na si Malia O'Brian ang kantang 'Dragostea Din Tei.'

“Ewan bakit alam ni @malia_obrian ang kantang ito (Dragostea den tei) hahahaha!” saad ni Pokwang sa Instagram ngayong araw, Hunyo 22.

Isang post na ibinahagi ni Mayette (@itspokwang27)

Mayroon ding sariling Instagram account ang anak na si Malia kung saan makikita ang pagkamasayahin nito at ilang paandar ng cute na anak ng komedyante.

Anak ni Pokwang si Malia kay American actor Lee O'Brian. Nagkakilala ang dalawa sa set ng isang movie noong 2014 kung saan si Pokwang ang gumanap na bida at ang kanyang asawa naman ang kanyang love interest. Mayroon pang isang anak na babae ang komedyante, si Ria Mae, sa dati nitong karelasyon.

Samantala, nakatakdang mapanuod ang bagong Kapuso actress sa “Pepito Manaloto” at “Wish Ko Lang”. Excited na rin ang komedyante na makatrabaho ang ilang Kapuso stars tulad nina Carla Abellana at Barbie Forteza.

Kilalanin ang iba pang Kapuso na makakasama ni Pokwang sa GMA: