GMA Logo Stell of SB19 and Pokwang
Photo by: itspokwang27 (IG)
Celebrity Life

Pokwang, kumasa sa 'GENTO' dance challenge kasama si SB19's Stell

By Aimee Anoc
Published June 29, 2023 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
NCAA: San Beda escapes Benilde in thriller, punches ticket to rivalry finals vs. Letran
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Stell of SB19 and Pokwang


Panoorin ang "GENTO" dance challenge with a twist nina Pokwang at SB19's Stell dito.

Hindi nagpahuli ang komedyanteng si Pokwang sa pagsayaw sa viral ngayong "GENTO" dance challenge kung saan nakasama niya ang SB19 member na si Stell.

Kinagiliwan ng fans ang kakaibang twist nina Pokwang at Stell sa dance challenge na ito kung saan naka-Filipiniana ang komedyante at naka-all-black outfit naman ang P-pop idol habang may hawak na payong na may sinaunang disenyo.

"GENTO na tumawid sa panahon ni Maria Clara hahahaha. Thank you, [Stell]. Love ko kayo [SB19] grabe!" sulat ni Pokwang.

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Komento ni Stell sa post na ito ni Pokwang, "Maraming salamat mamang!" Agad na sagot ng komedyante, "Kinilig ang mamang ahahaa."

Kamakailan, kumasa rin sa "GENTO" dance challenge ang TiktoClock co-hosts ni Pokwang na sina Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, at Jayson Gainza.

Kasalukuyang mayroong mahigit 11 million views sa YouTube ang music video ng "GENTO." Isa ang "GENTO" sa anim na awitin ng bagong EP ng SB19 na PAGTATAG.

Samantala, isa si Stell sa apat na coaches ng bagong singing competition ng GMA Network na The Voice Generations.

MAS KILALANIN ANG SB19 SA GALLERY NA ITO: