GMA Logo Pokwang, Allen Dizon, Jillian Ward
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Pokwang, mapapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published January 12, 2024 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang, Allen Dizon, Jillian Ward


Abangan si Mamang Pokwang ngayong Biyernes sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

May bagong karakter na makikilala sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ngayong Biyernes, January 12, 2024, mapapanood ang comedianne-actress na si Pokwang sa naturang afternoon series.

Una siyang makikita sa loob ng Eastridge Medical Hospital.

Ang una naman niyang makakaeksena sa serye ay ang isa sa lead stars nito na si Jillian Ward na kilala rito bilang si Doc Analyn.

Sa bagong episode ng serye, makikilala siya rito sa parehas niyang pangalan na si Pokwang.

Ano kaya ang role niya rito?

Magiging kakampi ba siya ng pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn?

Abangan ang mga eksena ni Pokwang sa patuloy na pinag-uusapang serye.

Samantala, bago pa mapanood si Pokwang, nakilala na rin ang bagong guest stars dito na sina Klea Pineda at Tonton Gutierrez.

Silipin ang ilang kaabang-abang na eksena ni Pokwang sa video na ito:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: