What's on TV

Pokwang, may kakaibang nagawa sa asawang si Lee O'Brian dahil sa selos

By Racquel Quieta
Published August 1, 2021 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and lee obrian


Sino kaya ang matinding pinagselosan ni Pokwang?

Ibinulgar ni Pokwang kamakailan sa anniversary episode ng Mars Pa More kung saan siya ang special guest host na minsan na niyang hinabol ng katana ang asawang si Lee O'Brian dahil sa selos.

Nag-ugat daw ito sa nadiskubre ni Pokwang na messages sa cellphone ng asawa.

“Ang term of endearment nila is 'darling.'

“So, nakita ko, 'I'm home, darling.'”

Naglasing umano si Pokwang nang gabi na iyon at kinumpronta ang asawa tungkol sa nakita niyang messages.

“Naglasing ako nung gabing 'yon, chenelyn, chenelyn, tapos inaway ko siya.

“Eh meron ako sa bahay na katana. Oo, hinabol ko siya nun, 'day.

“Tapos iyak siya ng iyak. Sabi. niya, 'Wala akong kakilala dito. Wala akong kaibigan dito. Bakit mo ako ..' 'Sino'ng darling-darling?!'

Sino ang pinagselosan ni Pokwang? / Source: Mars Pa More

“Dun niya in-explain sa akin, 'I have an adopted sister. She's Korean, chenelyn bumble bee.

“'Ano'ng magagawa ko? Nahabol na kita. Eh 'di, annyeong.'”

Naganap daw ito nang bago pa lamang ang kanilang relasyon at hindi pa siya nabi-brief ng kanyang asawa tungkol sa adopted siter nito.

Panoorin ang rebelasyon na ito ni Pokwang sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Tingnan ang larawan ng mga Filipino celebrities na nagmahal ng foreigner tulad ni Pokwang.