GMA Logo  pokwang
Photo from 2 Valid IDs | Super Entertainment
What's Hot

Pokwang, nagpasalamat sa netizens matapos makakuha ang '2 Valid IDs' trailer ng 10M views

By Jansen Ramos
Published July 12, 2026 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate uploads impeachment records for public access
This special visa makes it easier for global retirees to call Philippines home
Man hurt after bridge snaps amid flooding in North Cotabato

Article Inside Page


Showbiz News

 pokwang


Bibida ang Kapuso star na si Pokwang sa Cinemalaya 2026 entry na '2 Valid IDs.'

Labis ang pasasalamat ni Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang sa mga sumuporta sa upcoming movie niya na 2 Valid IDs, na official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.

Nakakuha ng 10 million views across all social media platforms and channels ang trailer ng indie film, na mula sa direksyon ni Ma-an L. Asuncion-Dagñalan at panulat ni Abet Pagdagdagan Raz.

Sulat ni Pokwang sa kaniyang Facebook post, "Grabe na kayo… salamat po sa pa 10 million views po ninyo."

Nanawagan din ang Sparkle artist na panoorin ang pelikula sa Cinemalaya 2026 na tatakbo mula August 6 hanggang 18 sa Red Carpet Cinemas, Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City, at sa iba pang piling sinehan.

Patuloy niya, "Pero mas bongga kung lahat ay makakapanood ng '2 Valid IDs' sa August 6-18 sa Cinemalaya Independent Film Festival. Ang pelikulang ito ay ang iyong kwento bilang Pilipino, kwento natin ito."

Mapapanood din sa 2 Valid IDs sina Joey Marquez, Zaijian Jaranilla, at Meryll Soriano.

Tampok sa pelikula ang kuwento ni Sylvia (Pokwang), isang magsasaka na nahihirapang makuha sa isang remittance center ang financial assistance para sa pagpapagamot ng kaniyang asawa. Ito ay dahil kinakailangan niyang magpakita ng dalawang valid government ID, mga dokumentong wala siyang maiprisinta.

SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA MAPAPANOOD SA CINEMALAYA 2026.