
Puno ng pagmamahal ang birthday episode ni Pokwang sa TiktoClock.
Kahapon, August 27, ipinalabas ang birthday episode ng host na si Pokwang. Nakasama pa ni Pokwang ang dance legends na sina Geleen Eugenio, Joy Cancio, at Mel Feliciano sa kaniyang inihandang production number.
Napanood din ang mga birthday messages para kay "Mamang" Pokwang.
Saad ni Joy, "Praying and hoping that she will still keep her young as well as fit. Importante 'yan sa atin. Dasal at maging healthy."
Mensahe naman ni Geleen kay Pokwang, "Geleen: I always see her in FB (Facebook), she's such a wonderful mother. I hope that you will continue to love your daughter na getting so beautiful at ituloy tuloy mo lang din ang pagluluto."
Si Mel, na matagal na ring nakasama ni Pokwang sa showbiz, may mensahe sa kaniyang love life. Aniya, "Kilalang-kilala ko na si Pokwang simula noong umpisa. Ang love life mo Pokwang, darating sa'yo yan."
Nagbigay rin ng payo si Mel kay Pokwang, "Huwag kang magmadali, mahalin mo ang sarili mo, mahalin mo ang anak mo, mahalin mo ang pamilya mo. 'Yun lang, at magpakasaya ka."
Panoorin ang mga mensaheng ito sa TiktoClock:
Patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 a.m. sa GMA.
SAMANTALA, BALIKAN ANG LARAWAN NG TIKTOCLOCK STARS SA GMA GALA 2025: