GMA Logo Pokwang and Malia O'Brian
Photo by: itspokwang27 (IG)
What's Hot

Pokwang, nakikitang 'future artista' ang anak na si Malia

By Aimee Anoc
Published June 6, 2022 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang and Malia O'Brian


Apat na taong gulang na ang anak ni Pokwang na si Malia O'Brian sa American partner nito na si Lee O'Brian.

Dahil sa hilig na mag-perform, nakikita na raw ng komedyanteng si Pokwang na 'future artista' ang kanyang anak na si Malia.

Sa interview sa 24 Oras, sinabi ni Pokwang na 'effortless performer' daw si Malia na hilig ang kumanta at sumayaw.

"Nakikita ko na siya. Nakikita ko na 'yung future niya, artista talaga," sabi ni Pokwang.

Madalas na ibahagi ni Pokwang sa Instagram ang kulitan nila ng anak na si Malia. Gayundin ang pagiging bibo at performer nito kung saan makikita itong umaarte, nagmo-model, sumasayaw, at kumakanta.

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Pero bukod sa pagiging performer, hilig din daw ni Malia ang pagtulong sa kanya sa kusina.

Biro ni Pokwang, "Mahilig siya gumawa ng cookies na ang tigas-tigas naman na kapag binato sa 'yo 'yung cookies, wala na, comatose ka na."

Si Malia ay anak ni Pokwang sa kanyang American partner na si Lee O'Brian.

Panoorin ang buong interview ni Pokwang sa 24 Oras dito:

Samantala, mas kilalanin pa ang anak ni Pokwang na si Malia O'Brian sa gallery na ito: