GMA Logo Pokwang
Photo source: kmjs (TikTok)
What's Hot

Pokwang, nanawagan sa publiko sa gitna ng kilos-protesta laban sa korapsyon

By Karen Juliane Crucillo
Published December 1, 2025 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mikee Quintos, Paul Salas, and others gather for Mikoy Morales' bachelor weekend
Areas in Eastern Visayas, Bohol cancel classes due to bad weather
BTS's comeback performance to be livestreamed on Netflix

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Basahin dito ang mensahe ng komedyante na si Pokwang sa mga Pilipino sa kilos-protesta laban sa katiwalian.

Isa si Pokwang sa mga nakiisa sa pangmalawakang kilos-protesta kontra korapsyon sa People Power Monument noong November 30.

Sa video na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa TikTok, makikita ang komedyante na matapang na ipinaglalaban ang bansa at kapwa Pilipino sa naganap na protesta.

Ibinahagi ni Pokwang na nagising siya ng 6:00 a.m. para makiisa sa bawat Pilipino sa protesta.

“Wag tayong mapagod lumaban. Wag natin panghinayangan,” sabi ng aktres.

Dagdag pa niya, “Iparamdam natin kung gaano tayo ka-dismaya, kung gaano tayo kagalit, ka-disappointed, lahat ng magnanakaw sa gobyerno, maawa naman kayo!”

@kmjs ''WAG TAYONG MAPAGOD LUMABAN... SA LAHAT NG MAGNANAKAW SA GOBYERNO, MAAWA NAMAN KAYO!' Pokwang, kasama sa nakiisa sa malawakang kilos-protesta ngayong araw, Nov. 30. Ang espesyal na ulat ng #KMJS ♬ original sound - Kapuso Mo, Jessica Soho


Ipinaliwanag din ng Stars on the Floor dance authority ang kahalagahan ng pakikiisa sa ganitong klaseng protesta, lalo na sa gitna ng nangyayari sa bansa.

“Sobrang mahalaga po ito, hindi lang para sa sarili ko, hindi lang para sa pamilya ko kundi para sa lahat po ng future ng henerasyon na ito, sa bansang ito, sa kabataan, sa anak ko, sa ka-apo-apohan ko pang darating,” pahayag niya.

@gmanews

“TAMA NA PO. BUSOG NA PO KAYO. KAMI NAMAN.” Nakiisa ang comedy actress na si Pokwang sa isinasagawang kilos-protesta kontra katiwalian ngayong araw, Nobyembre 30. | via Athena Imperial/GMA Integrated News

♬ original sound - GMA News

Noong September 21, naganap ang “Trillion Peso March”, isang rally sa EDSA People Power Monument, habang ang isa pang rally na “Baha sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon” ay naganap sa Rizal Park sa Maynila.

Nakiisa rito ang ibang celebrities tulad nina Dingdong Dantes, Vice Ganda, Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith, Ion Perez, Darren Espanto, Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, Benjamin Alves, Dasuri Choi, Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Gardo Versoza, at iba pa.

Samantala, tingnan dito ang iba pang mga celebrity na nakiisa sa mga protesta laban sa korapsyon: